Friday, December 30, 2011

Charie Joann Canlas Copias

Charie Joann Canlas Copias


Kanina, muli akong nakipagsiksikan sa
kalagitnaan ng tila di mahulugang karayom
na dami ng taong pilit sinisiksik ang
sarili sa mabilis na takbo ng MRT na
bumabagtas sa gitna ng maunlad na siyudad.

Habang nasa kasagsagan ng mabilis na
pagtakbo ang mahabang sasakyan ng mga oras
na iyon. Akoy napatingin sa ibat ibang mukha ng
mga taong tulad ko ay may kani kaniya ring
pakay, destinasyon, at hangarin, sa buhay.

May nagmamadali, may nagbabasa ng bulletin
na dyaryo,may nagtetext, may nakikipag usap
sa cellphone may patingin tingin sa kanyang
relo nangangambang ma late sa kanyang
pinapasukang trabaho, may gayak na gayak
ang bihis, may nagbabakasakali, may nag
aaply ng trabaho, may magsyota, may dalaga
may binata may estudyante, may nakasapatos,
may nakatsinelas, may aleng bitbit ang
kanyang tsikiting, may nakatulala,
at may nangangarap sa isang sulok ng tila
sardinas na sasakyan.

Naisip ko, lahat ng taong nasa loob ng
sasakyang iyon ay katulad ko ring may
hinahangad, minimithi, at pinapangarap sa buhay.
Bigla ko ring naisip si joann. Ang babaeng gusto
ko sanang maging bahagi ng aking mga pangarap.

shaw boulevard station. next station. ortigas station...

Hindi ko maisip kung bakit sa kalagitnaan ng
nagmamadaling mga tao eh naisip kong
bigla ang nag iisang babaeng mayat mayang
kinakalabit ang aking utak. kmsta na kaya siya?

Naisip ko, ah talagang iniibig ko ang babaeng ito,
kasi biruin mo sa dinadami dami ba naman ng mga
sarili kong isipin at mga problema sa buhay, eh
nagagawang makisingit nitong babaeng may mahabang
buhok, may patpating pangangatawan, may mahubog na
balakang (hehe), at may simpleng taglay na ganda.

Habang tumatagal ang pagkakakilala ko
sa babaeng ito, mas lalo kong nakikilala ang
kaniyang pagkatao,pangarap,kahinaan, kalakasan,
emosyon, paraan ng pag iisip. Nakikilala
kong mabuti ang kaniyang personalidad,

iLan sa aking napansing mga katangian ni joaan.
Siya ang tipo ng babaeng hindi nagsasabi ng
nararamdaman,masasalamin mo ang kanyang
nararamdaman base sa kanyang ikinikilos,
Malakas siya sa loob at mahina sa labas,

Hindi siya magaling magluto pero paborito niyang
ulam ay sinigang, at crush niya si vin diesel,

siya ay malambing, at kung lalambingin ka niya,
titiyakin ko sayong pagtutulungan kang
bitbitin ng isang kumpol ng mga langgam upang
ilagay sa imbakan ng kanilang pagkain sa pag
aakalang ikay isang pagkaing matamis.
syento por syento, lalanggamin ka sa tamis...

Siya rin ang tipo ng babaeng ayaw sa paligoy
ligoy na usapan, kung may sasabihin ka, kailangang
sabihin mo na agad, bago pa siya mawalan ng interes
para dito.Siya ay masungit, Palakaibigan,
Siya ay palangiti, makulit, at higit sa lahat matigas
ang ulo..

Ilan pa sa mga Hinangaan ko sa babaeng ito ay,
ang kanyang ngiti, mahabang buhok, katawan,
galaw, pananamit,postura, prinsipyo, dignidad,
may pagkakilos lalaki(boyish), maganda siya kahit
nakasimangot.

Madalas akong bumisita sa kanilang bahay gamit
ang aking bisikleta, maingat kong binabagtas ang
emilio aguinaldo hi-way patungong zapote kalinisan
paliko naman sa ligas 1. Madalas ko nga makainuman
ang kanyang matikas na ama, at nakapalagayan naman
ng loob ang kanyang buong pamilya.

Para sa akin naniniwala ako sa pangmatagalang
relasyon bago ang pag iisang dibdib.Dito mo kasi
masusukat ang pagkatao ng makakapareha mo na
siyang ihaharap mo sa dambana balang araw...
(i do)

Sa ngayon, nananatili ang damdamin ko para
sa espesyal na babaeng ito na walang pakundangang
inalog ang ikot ng aking mundo na si
Charie Joann Canlas Copias...

Biglang tumunog ang tren hudyat ng napipinto
nitong paghinto sa isang istasyon.
at dagli akong bumaba.

This is ortigas station, ortigas station..

Tuesday, September 13, 2011

Internet


INTERNET

Noong araw, walang masyadong libangan ang tao e, walang masyadong
ginagawa. Pagkatapos ng maghapong trabaho ay uwi agad ng bahay
kakain at pagkatapos ay matutulog na.

Ang pangunahing libangan lamang ng tao noon ay manood ng tv at makinig
ng radyo, magbasa ng dyaryo. Noon nga, sabay
sabay na naghahapunan ang isang karaniwang  pamilya.

Alas nuebe pa lamang ng gabi ay wala ka ng makikitang palaboy laboy na
batang gala at istambay na mga batang hiphop o gangster sa kalye..

Ganun lang kasimple ang buhay ng tao nung araw, di tulad ngayon.

Patuloy sa pag-usad ng ating panahon. Patuloy ding nagbago ang ating
mga pinaglumaang tradisyon at kultura, kasabay ng mga pinaglumaang libangan.
Tila binago din nito ang karaniwang ikot ng buhay ng isang karaniwang tao.

Ngayon, karaniwan na sa isang mag anak na hindi magkakasalo ng sabay sabay
sa hapag kainan, dahil sa dami ng ginagawa sa trabaho.

Internet na ang pangunahing libangan ng tao ngayon.

Sa internet kasi, maari kang makapanood at makakita ng kung ano ano depende sa
kung ano ang uso at kung ano ang gusto mong makita.

Bagamat ginagamit ito sa anumang transaksyon ng mga higanteng
kumpanya. Gamit din ito ng gobyerno at ng buong mundo. Pangalawa ito sa
nagpapa ikot ng mundo bukod sa pera. Ika nga.

Anupat kadalasang napapanood ng mga bata dito ngayon ay mga pornograpiya,
mga music rap, fliptop, mga disgrasya, scandal, justin biever, miley cyrus,at
kung ano ano pang uso.

Kadalasan ding mga online games ang pinagkakaabalahan dito ng marami sa
kabataang namulat sa makabagong henerasyon.

Mga online chatting naman para sa mga magkaka mag anak at magkakasintahan
na magkalayo sa isat isa. Maari ka ring magkalovelife at maghanap ng masosyota,
kung saan maari kang makapanloko at makapangbiktima ng krimeng nais mo.

Sa madaling sabi, ay pwede ang kahit na anumang bagay na maisip mo sa internet,
mabuti man ito o masama.

Nagkalat ang mga Social networking sa internet, mga online dating online
cybersex at kung ano ano pang online online na yan.
                             
Social networking naman ang patok ngayon. Dito maari mong ibahagi sa iba kung
ano ang estado mo sa buhay ngayon, at ang patok na estado na mababasa mo dito
ay tungkol sa kanilang mga sawing palad na buhay pag-ibig, sa masasasaya nilang
buhay, sa kung ano ginagawa sa mga oras na ito

Maari ring maanira ng buhay ng ibang tao, ang sinumang may masamang intensyon
sa iba gamit ang internet. Kahit saang sulok ka sumuot ngayon ay mayroong internet
shop cafe, at kadalasan  mong makikita dito ay mga kabataan. Nahuhumaling sa kung
anong kinahuhumalingan.

Habang sinusulat ko nga ang blog na ito, sandali akong napatingin sa aking kustomer,
na  parang hindi mo maistorbo dahil sa kanyang nilalarong DOTA. Habang naglalaro ito
ay may binabuff siyang video  na porno. Ewan kung bakit laging magkakambal ang
dalawang yun.

Madalas kong mapansin ang ilan sa aming regular na kostumer na habang naglalaro
ng online games ay nanonood naman ng porno.

Natanong ko nga minsan yung isa naming suki. Bakit laging magkasama ang porno at dota?

Sa mga online games daw kasi ay may mga tagpong naghahang o kailangan mong
maghintay ng ilang sandali bago umpisahan uli ang laro. Ito naman ang oras para
dito para manood ng porno habang nagfafacebook. "Para daw walang sayang
na oras ika nga"

Hmn, wais din ang mga batang to...
wais sa kalokohan naisip ko..

Maraming pwedeng matutunan sa internet, mula sa masama mabuti, o mga kabulastugang
bagay ang maari mong mapulot dito.

Masasabi kong, ang mga kabataan ngayon ay halos puro kabastusan ang natutunan sa internet.
At ang nakakalungkot dito. Ito ay isang uri ng libangang mahirap masubaybayan ng
kanilang mga magulang.

Kamakailan lang ibinalita sa isang telebisyon ang isang krimeng, may kinalaman sa internet.
Sa pamamagitan ng internet, naisagawa ng isang suspect ang kanyang maitim na balak
sa isang nag lilibang lamang na dalagita. tsk tsk..

Hmnn, teka ibahin natin ang tema, puro na pangit na aspeto yata ang nababanggit ko
tungkol sa internet ah.

Kunsabagay...

Marami rin namang mabuting dulot ang internet sa buhay ng tao. Dahil punung puno
ito ng mga impormasyong maaring makasagot ng iyong mga katanungan sa buhay at mundo.

kung gayon, ang internet ay...

Ang internet ay masama o mabuting bagay,  depende na lang sa gumagamit nito.

Wednesday, August 3, 2011

Problema


    • Ikaw bay may problema sa lovelife
      sa pera, sa pamilya, sa trabaho,
      sa kalusugan, at sa sarili?


      Naranasan mo na ba yung panahong,
      punung puno ka ng mga problema sa 

      buhay at nasusuot sa isang masalimuot
      na sitwasyon? Panahong nangailangan
      ka ng karamay, Kaibigan o kausap.

      Presidente ka man ng isang bansa,
      sikat na artista, mayamang pulitiko,
      pari, adik na fb user, chatter,
      pulis, bumbero, musikero,
      kargador sa palengke, barker ng mga
      jipney, magbobote, basurero. 

      Hanggang sa pinaka karaniwang tao, 
      mahirap man o may sinasabi sa buhay.

      Malamang ang sagot mo ay Oo, o di kaya
      ay Oo naman.

      Lahat kasi ng tao ay dumadaan sa ganitong
      yugto o kabanata ng buhay.
      Lahat ay may pagsubok na dumadagok 

      sa ating mga buhay.

      Isang malungkot na kaibigan ang

      nag pm sa akin sa ym minsang akoy
      nakaonline. Dama ko ang bigat ng
      kanyang problema kahit hindi niya ito
      masabi sa akin. Tinanong niya ako kung
      maganda daw kaya sa kabilang buhay.
      Natawa ako sa kanyang tinuran. 





      Hindi ko alam ang sagot sa tanong pero 
      dahil pa ako nagagawi doon kako,  pero
      may ideya naman ako kahit papaano. 
      Sabi ko, maganda ang buhay sa kabilang 
      buhay kung maganda ang naging pananaw 
      mo sa buhay habang ikay naririto lupa. 
      Pero kung hindi naging maganda ang 
      naging pananaw mo habang ikay nasa lupa, 
      malamang ay sa hindi rin magandang
      buhay ang nag-aantay sayo sa kabilang 

      buhay. 
      Hay ang buhay nga naman. Parang layp.

      Napa Huh? siya sa sagot kong iyon. Hindi
      naunawaan ang ibig kong sabihin.

      Ang ibig kong sabihin, kung ano natutunan 

      mo sa lupa, babaunin mo ito sa kabilang
      dimensyon ng buhay. Kung naging masamang 

      tao ka sa lupa at hindi nagkaroon ng 
      pagkakataong baguhin ang sarili ay tiyak na 
      sa hindi magandang buhay ka masasadlak. At kung naging mabuting tao ka naman habang 
      nasa lupa, ay sa mabuting kalagayan ka rin masasadlak kapiling ng dakilang manlilikha.


      Naisip kong meron siyang suicidal tendency.
      Bagay na hindi magandang mangyari. Bakit 

      niya itatanong sa akin ang gayong katanungan habang siyay nasa malungkot na emosyon. 
      Kaya isa lang ang naiisip kong sagot. Magpapatiwakal siya.
      Maaari man o hindi eh wag naman sana.

      May mga taong nagiging taong grasa, sila 

      yung mga taong bumibigay ang utak o 
      nabaliw dahil sa tindi ng dinaanang 
      problema o mga dinanas sa buhay. 
      Meron ding nag iinom o nagdodroga sa 
      pag-aakalang mabuti itong kaibigan sa 
      panahon ng matinding kalungkutan 
      na nagiging dahilan naman ng lalong 
      pagkabaliw. Gumagamit upang 
      sandaling makalimot sa problema.


      Ang problema kasi, mabigat man o magaan.
      Isang yugto ng kabanata sa ating buhay 

      kung saan ay sinusukat ang ating kaisipan at pagkatao. Kung hanggang saan ang kaya 
      nating ibigay para sa isang bagay.Lahat ng 
      bagay dito sa lupa ay may katapusan. Karangyaan, kapangyarihan, paghihirap, kalungkutan. Lahat ng yan ay matatapos sa sandaling ikay pumanaw. Kaya nga may mga taong nagagawang kitlin ang sariling buhay 
      sa pag aakalang matatapos ang kanilang pag hihirap sa sandaling silay patay na. Pero 
      hindi sa kabilang buhay. Tulad nga ng sinabi 
      ko kanina, kung ano naging pananaw mo sa 
      lupa ay babaunin mo ito sa kabilang buhay.

      Ang buhay

      Para isang karera. Kailangan mong 
      marating ang finish line sa anumang paraan. 
      Talo ka man o panalo. Ngayon kung hindi 
      mo ito natapos o tatapusin ang finish line, eh para ka na ring nandaya ng isang pagsusulit o exam sa eskwelahan.

      Isang maling pananaw ang pagkitil sa sariling buhay upang takasan ang mga problema. 

      Dahil ayon sa mga pari at relihiyosong tao. 
      Ito ay hindi kalugod lugod na bagay sa paningin ng ating poong maykapal at naniniwala ako sa bagay na ito.

      Kaya nga tayo binigyan ng diyos ng mga kaibigan,
      para kahit papano eh maibahagi natin ang ating sarili na hindi natin magawang ibahagi sa iba. Nakakatuwa kaya yung isipin na may isang taong nakakaunawa sayo gaano man karami yung taong hindi nakakaintindi sa sarili mo.

      Kung dinadagok ka ng mga pagsubok, Subukan mo 
      itong harapin. At wag kang matakot na matalo o mabigo dito. kasi sa huli, ikaw pa rin ang mananalo.

      Ngayon, Kapag natapos 
      mo ang finish lines ng buhay . May premyong nag aantay sa iyo sa kabilang buhay.

      Ngayon, kung sumasagi pa rin ang pagpapatiwakal sa nakabusangot mong emosyon
      pagkatapos ng mga nabanggit ko dito.
      eh malamang, pananaw mo sa buhay ang may Problema
      .

Sunday, May 8, 2011

God is love



Tapos na ang buwan ng mga puso pero ewan
kung bakit napili kong pag usapan ang tungkol
sa pag ibig. Kunsabagay, wala namang pinipi
ling panahon at oras ang tungkol dito

Kamakailan lang, napadaan ako sa isang
romantikong lugar. Sa luneta! kung saan
maghapong nakabilad sa gitna ng tirik na
tirik na araw ang ating dakilang bayani.
Si Gat Jose P. Rizal...

Nakasakay ako sa isang pampasaherong
sasakyan na bumibiyaheng baclaran
to divisoria. Napakatrapik noon nang
mapansin ng aking paningin ang dalawang
taong pasimpleng naghahalikan. Babae at
lalaki. Naisip ko, magsyota siguro ang mga
ito. Naghahalikan eh...(Hellow di pa ba obvious)
At dahil sa naaktuhan kong eksena, ang
matanong kong utak ay muli na namang
nagtanong sa aking sarili.

Bakit at paano nga ba nagkaka iibigan ang dalawang
tao? ...Katulad ng tanong ng na,
Paano kaya nagsimula ang pagiibigan ng
aking ng ina at ama.?

Sa palagay ko,
ang karakter ng aking ama ay isang palabirong
lalake. At aking ina naman ay isang ser-
yosong babae. Samakatuwid, sa paraang
pagbibiro siguro pina ibig ng aking ama
ang aking seryosong ina, At sa paraang
seryoso naman sinubukan ng aking ina ang
aking ama. Maaari siguro sa seyosohang
biro biro lamang nagsisimula ang lahat.
Ang gulo.

Hmm, pero paano nga ba natin nasasabing
minamahal natin ang isang tao? paano
natin siya nagugustuhan o natutunang
mahalin. Dahil ba sa gwapo sya?,sa mayaman,
sa maraming tattoo?, sa magaling magskate
board?,sa emo, o di kaya sa magaling mag
kumanta at mag gitara, at sa kung ano ano pa.

Ang mga ito bay magagamit kung sakaling mag
sama ang dalawang nagmamahalan.? Tanong!
ang mga ito bay nagiging dahilan ng isang
masayang pagsasama o ng pangmatagalang
relasyon?

At paano nga pala naiipapakita ang bagay na ito?

Masasabi kong naipapakita at naipaparamdam ito
sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpapahalaga
sa taong espesyal sa atin.Depende sa halaga ng taong
pag aalayan nito.

Kung minsan, dumarating yung pagkakataong
umiibig tayo kahit sa mga taong hindi natin
inaasam na mahalin o hindi natin pinapa
ngarap man lamang na ibigin. May mga pagkakataon
kasing nagaganap tulad nito..

Hate na hate nitong si babae itong si lalaki.
Pero itong si lalaki e gustong gusto itong si
babae. Kung anong pagkagusto nitong si lalaki
ay s'ya namang pinakaaayaw ayaw nitong si babae.
Pero dahil likas talaga sa lalaki ang mapanuyo.
Nakita nito ang mga kinakailangang gawin upang
masuyo at mapa-ibig ang sinisinta.
Hanggang sa kalaunan, natututunan
nang mahalin ni babae si lalaki.
Magkagayunman atleast nagkaibigan.
Bahala na kung happily ever after ang ending.

Kaya ang pinakamainam na payo para sa mga lalaking
nanunuyo ng babae diyan, eh wag kang susuko pare.
Ang pagsuyo eh hindi dapat isinusuko. Pwera na
lang kung naunahan ka na. (Olats ka na talaga)


Pero hindi lahat ng nagsusuyuan eh nauuwi sa wagas
na pagmamahalan.

Maraming relasyong nauuwi lang sa wala.Subukan mong
sumilip sa homepage ng iyong facebook. Si ano nakita ko
kanina is single ang status, tapos naging its complicated,
tapos makalipas ang ilang araw ang status eh, is single...
Madalas ganyan ang nadadatnan kong homepage ng aking 
facebook.Parang ginagawa na lang bisyo.Nakakatawa.

Kadalasan hindi nagkakasundo sa maraming bagay
ang magkapareha. Tulad ng opinyon, pananaw, at iba
pa. Pero saan ka, iniibig pa rin ang isat isa sa
kabila ng maraming pagtatalo. Away, bati, away, bati.
Sa mga ganitong pagkakataon kaya naniniwala ako
sa matagal na relasyon bago ang pagpapakasal.

Bago ko narating ang aking pakay na destinasyon.
Ang divisoria. Isang jeep na may signboard sa unahan
ang aking napansin. God is love ang nakasulat dito.
Naisip ko. Wala naman talagang teorya kung
paano natutunan ng tao ang umibig.
Kasi diyos ang nagturo nito sa tao. Gaya ng pag ibig
nya sa tao. Kasi nga God is love.


Thursday, March 17, 2011

Boyscout of the Phillipines



Malakas na boses ng reporter sa tv ang
gumising sa akin, isang hapon araw ng 
biyernes taong kasalukuyan. Napapaantanda pa
ang aking ina ng aking mabungaran sa sala.
Pupungas pungas akong umupo sa sofa. Tulu
yang nagising ang aking kamalayan ng napapanood 
kong eksena sa tv. Ang paglamon ng tila mala 
putik na tubig sa bawat bagay na madaanan nito. 
Tila isang hari ng daan na tinatangay ang bawat 
bagay. Tinanong ko si ina, ano yan ?
Tsunami sa japan, sagot niyang tila nahihintakutan


Gitla ako sa aking napapanood. Pwede rin
palang mangyari yung napanood ko sa isang peli-
kula. Ang 2012 end of the world. Halos parehong
pareho sa nadatnan kong eksena.


March 11 2011 ang buong mundo ay ginulantang
ng isang matinding delubyo. Ang Lindol at 
Tsunami sa bansang Japan. Ganap na alas 1:30
ng hapon sa pilipinas ng yanigin ng isang pagka 
lakas lakas na lindol ang buong japan, 
na may istatistikong 8.9 magnitutude.
Muli ay naitala ang isa sa pinakamalakas na 
lindol na tumama sa mundo. Ang lindol na ito
ang siyang dahilan upang mabulabog  ang 
nagsasayaw na tubig sa karagatan ng pasipiko
At ang resulta? Mga higanteng alon (tsunami). 
Ang alon na ito ay umabot sa ilang baybayin ng japan, 
kung kayat nilamon nito ang lahat ng mga bagay 
na madaraanan. Sasakyan,bangka,mga imprastraktura,
gusali bahay, puno, halaman, tao, maging pati hayop. 


Kasabay nito, habang binibisita ng higanteng 
alon ang ilang bahagi ng japan, isang plantasyon 
ng nukleyar ang tinupok ng apoy sa ibabaw ng nag-
aalburotong mga tubig. Mula sa plantasyong ito, 
pinangangambahan ang pagkalat ng samut saring sakit 
mula sa radiation nito. Maging ang mga kalapit bansa
ay pinangambahan ito.


Tinatayang aabot sa Sampung libong katao ang bilang
ng makukuhang patay at $170 bilyong dolyar ng mga 
ari arian at imprastraktura ang pinsalang idinulot ng 
kalamidad na ito.


Sa gitna ng tila kawalang pag asa dala ng natural
at man made na disaster sa Japan.
Dumaloy ang milyon milyong luha ng simpatya para 
sa bansang Japan.


Isang kagimbal gimbal na hapon naisip ko.


Ilang araw ang nakalipas, mula tv, pahayagan,
hanggang sa internet ay walang ibang laman 
ang balita kundi ang tungkol sa naganap na 
trahedya. Sa youtube ay naglipana agad ang
aktuwal na samut saring kuha ng mga live footage
sa naganap na trahedya. 


Ilang kamangha manghang bagay ang aking napansin 
sa ilang araw na paghahagilap ng balita.


Ang mga hapon ay hindi nagpapanic, at tila
matatag. Hindi sila nag uunahan sa pagkain at 
tubig kapag may tulong na inaabot ang gobyerno. 
Tahimik silang nakapila. Walang unahan at pagka
kanya kanya sa pila. Lahat ay malumanay. Mababanaag 
mo sa kanilang mga kilos ang pagiging disiplinado, 
Sa madaling sabi, Sila ay isang bansang organisado.
Isang bansang pinamumunuan ng mga boy scout na
lider.


Teka! at ano nga pala ang salitang Organisado.?
Ang organisado ay isang grupo pulutong o lipi ng tao
na may iisang kilos o hangarin. Ito yung tipo ng mga
taong kumikilos base sa napag-usapan.. gets?


Madalas nating ikumpara ang ating lahi sa ibang 
lahi. Madalas nating ikumpara ang ating bansa sa ibang 
bansa. At madalas yan kapag may nangyayaring malaking
balita katulad nga nito.


Kung iisipin tama ang sinasabi ng ilang na ang karamihan sa 
ating mga pilipino ay wala o kulang sa disiplina gayong 
ang iba ay meron. Masasabi kong iyan ay totoo dahil sa 
naghihirap na kalagayan ng nating bayan. 


Ang bansang japan ay mayaman at maunlad.  Ang tao sa 
kanila ay organisado at may pagkakaisa.
Ang bansang may pagkakaisa ay mayaman. Yan ang dahilan
kung bakit ang bansang pilipinas ay nananatiling mahirap
sa loob ng napakaraming taon. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa 
ng mga namumuno. Nagkakaisa lamang tayo kapag may mga 
malaking sakuna o kung hindi man ay may reklamo na 
idinadaan sa pag rarally sa mga lansangan ng edsa at mendiola. 


Napakalabong usapin ang tungkol sa usapin ng pagkakaisa
sa ating bansa. Tila isa itong linya ng mga kawad sa poste ng 
meralco na kay hirap ayusin.


Masyado tayong abala sa mga bagay bagay tulad ng, 
Paghahanap ng makakain para sa ating mga kumakalam na sikmura, Sa 
pagpapayaman, Sa kung paano magkakaroon ng limpak
limpak na salapi, Sa masalimuot na lovelife, Sa pag dodota,
Sa pagfafacebook at kung ano ano pa. Walang panahon 
ang ganitong usapin sa ating mga utak. Pero hindi yan 
ang punto dito. Ang punto dito ay....
  
Hmmn, Paano kung sa ating bansa tumama
ang ganito katinding kalamidad?. Makakaya kaya natin?
Handa kaya ang gobyerno at ang mamamayan sa mga
sakunang gaya nito? 


Ang tanong! Lagi kayang handa si Juan dela Cruz? 


Ito ang mga katanungang tila nakakawalang ganang isipin
Bakit ? Kasi kung kahandaan ang pag uusapan, 
maraming pinoy ang hindi nakapag training 
sa Boyscout of the Phillipines.
TIGASSSSSSSSSSSSSSSS, pahinga.