Malakas na boses ng reporter sa tv ang
gumising sa akin, isang hapon araw ng
biyernes taong kasalukuyan. Napapaantanda pa
ang aking ina ng aking mabungaran sa sala.
Pupungas pungas akong umupo sa sofa. Tulu
yang nagising ang aking kamalayan ng napapanood
kong eksena sa tv. Ang paglamon ng tila mala
putik na tubig sa bawat bagay na madaanan nito.
Tila isang hari ng daan na tinatangay ang bawat
bagay. Tinanong ko si ina, ano yan ?
Tsunami sa japan, sagot niyang tila nahihintakutan
Gitla ako sa aking napapanood. Pwede rin
palang mangyari yung napanood ko sa isang peli-
kula. Ang 2012 end of the world. Halos parehong
pareho sa nadatnan kong eksena.
March 11 2011 ang buong mundo ay ginulantang
ng isang matinding delubyo. Ang Lindol at
Tsunami sa bansang Japan. Ganap na alas 1:30
ng hapon sa pilipinas ng yanigin ng isang pagka
lakas lakas na lindol ang buong japan,
na may istatistikong 8.9 magnitutude.
Muli ay naitala ang isa sa pinakamalakas na
lindol na tumama sa mundo. Ang lindol na ito
ang siyang dahilan upang mabulabog ang
nagsasayaw na tubig sa karagatan ng pasipiko
At ang resulta? Mga higanteng alon (tsunami).
Ang alon na ito ay umabot sa ilang baybayin ng japan,
kung kayat nilamon nito ang lahat ng mga bagay
na madaraanan. Sasakyan,bangka,mga imprastraktura,
gusali bahay, puno, halaman, tao, maging pati hayop.
Kasabay nito, habang binibisita ng higanteng
alon ang ilang bahagi ng japan, isang plantasyon
ng nukleyar ang tinupok ng apoy sa ibabaw ng nag-
aalburotong mga tubig. Mula sa plantasyong ito,
pinangangambahan ang pagkalat ng samut saring sakit
mula sa radiation nito. Maging ang mga kalapit bansa
ay pinangambahan ito.
Tinatayang aabot sa Sampung libong katao ang bilang
ng makukuhang patay at $170 bilyong dolyar ng mga
ari arian at imprastraktura ang pinsalang idinulot ng
kalamidad na ito.
Sa gitna ng tila kawalang pag asa dala ng natural
at man made na disaster sa Japan.
Dumaloy ang milyon milyong luha ng simpatya para
sa bansang Japan.
Isang kagimbal gimbal na hapon naisip ko.
Ilang araw ang nakalipas, mula tv, pahayagan,
hanggang sa internet ay walang ibang laman
ang balita kundi ang tungkol sa naganap na
trahedya. Sa youtube ay naglipana agad ang
aktuwal na samut saring kuha ng mga live footage
sa naganap na trahedya.
Ilang kamangha manghang bagay ang aking napansin
sa ilang araw na paghahagilap ng balita.
Ang mga hapon ay hindi nagpapanic, at tila
matatag. Hindi sila nag uunahan sa pagkain at
tubig kapag may tulong na inaabot ang gobyerno.
Tahimik silang nakapila. Walang unahan at pagka
kanya kanya sa pila. Lahat ay malumanay. Mababanaag
mo sa kanilang mga kilos ang pagiging disiplinado,
Sa madaling sabi, Sila ay isang bansang organisado.
Isang bansang pinamumunuan ng mga boy scout na
lider.
Teka! at ano nga pala ang salitang Organisado.?
Ang organisado ay isang grupo pulutong o lipi ng tao
na may iisang kilos o hangarin. Ito yung tipo ng mga
taong kumikilos base sa napag-usapan.. gets?
Madalas nating ikumpara ang ating lahi sa ibang
lahi. Madalas nating ikumpara ang ating bansa sa ibang
bansa. At madalas yan kapag may nangyayaring malaking
balita katulad nga nito.
Kung iisipin tama ang sinasabi ng ilang na ang karamihan sa
ating mga pilipino ay wala o kulang sa disiplina gayong
ang iba ay meron. Masasabi kong iyan ay totoo dahil sa
naghihirap na kalagayan ng nating bayan.
Ang bansang japan ay mayaman at maunlad. Ang tao sa
kanila ay organisado at may pagkakaisa.
Ang bansang may pagkakaisa ay mayaman. Yan ang dahilan
kung bakit ang bansang pilipinas ay nananatiling mahirap
sa loob ng napakaraming taon. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa
ng mga namumuno. Nagkakaisa lamang tayo kapag may mga
malaking sakuna o kung hindi man ay may reklamo na
idinadaan sa pag rarally sa mga lansangan ng edsa at mendiola.
Napakalabong usapin ang tungkol sa usapin ng pagkakaisa
sa ating bansa. Tila isa itong linya ng mga kawad sa poste ng
meralco na kay hirap ayusin.
Masyado tayong abala sa mga bagay bagay tulad ng,
Paghahanap ng makakain para sa ating mga kumakalam na sikmura, Sa
pagpapayaman, Sa kung paano magkakaroon ng limpak
limpak na salapi, Sa masalimuot na lovelife, Sa pag dodota,
Sa pagfafacebook at kung ano ano pa. Walang panahon
ang ganitong usapin sa ating mga utak. Pero hindi yan
ang punto dito. Ang punto dito ay....
Hmmn, Paano kung sa ating bansa tumama
ang ganito katinding kalamidad?. Makakaya kaya natin?
Handa kaya ang gobyerno at ang mamamayan sa mga
sakunang gaya nito?
Ang tanong! Lagi kayang handa si Juan dela Cruz?
Ito ang mga katanungang tila nakakawalang ganang isipin.
Bakit ? Kasi kung kahandaan ang pag uusapan,
maraming pinoy ang hindi nakapag training
sa Boyscout of the Phillipines.
TIGASSSSSSSSSSSSSSSS, pahinga.
No comments:
Post a Comment