INTERNET
Noong araw, walang masyadong libangan ang tao e, walang masyadong
ginagawa. Pagkatapos ng maghapong trabaho ay uwi agad ng bahay
kakain at pagkatapos ay matutulog na.
Ang pangunahing libangan lamang ng tao noon ay manood ng tv at makinig
ng radyo, magbasa ng dyaryo. Noon nga, sabay
sabay na naghahapunan ang isang karaniwang pamilya.
Alas nuebe pa lamang ng gabi ay wala ka ng makikitang palaboy laboy na
batang gala at istambay na mga batang hiphop o gangster sa kalye..
Ganun lang kasimple ang buhay ng tao nung araw, di tulad ngayon.
Patuloy sa pag-usad ng ating panahon. Patuloy ding nagbago ang ating
mga pinaglumaang tradisyon at kultura, kasabay ng mga pinaglumaang libangan.
Tila binago din nito ang karaniwang ikot ng buhay ng isang karaniwang tao.
Ngayon, karaniwan na sa isang mag anak na hindi magkakasalo ng sabay sabay
sa hapag kainan, dahil sa dami ng ginagawa sa trabaho.
Internet na ang pangunahing libangan ng tao ngayon.
Sa internet kasi, maari kang makapanood at makakita ng kung ano ano depende sa
kung ano ang uso at kung ano ang gusto mong makita.
Bagamat ginagamit ito sa anumang transaksyon ng mga higanteng
kumpanya. Gamit din ito ng gobyerno at ng buong mundo. Pangalawa ito sa
nagpapa ikot ng mundo bukod sa pera. Ika nga.
Anupat kadalasang napapanood ng mga bata dito ngayon ay mga pornograpiya,
mga music rap, fliptop, mga disgrasya, scandal, justin biever, miley cyrus,at
kung ano ano pang uso.
Kadalasan ding mga online games ang pinagkakaabalahan dito ng marami sa
kabataang namulat sa makabagong henerasyon.
Mga online chatting naman para sa mga magkaka mag anak at magkakasintahan
na magkalayo sa isat isa. Maari ka ring magkalovelife at maghanap ng masosyota,
kung saan maari kang makapanloko at makapangbiktima ng krimeng nais mo.
Sa madaling sabi, ay pwede ang kahit na anumang bagay na maisip mo sa internet,
mabuti man ito o masama.
Nagkalat ang mga Social networking sa internet, mga online dating online
cybersex at kung ano ano pang online online na yan.
Social networking naman ang patok ngayon. Dito maari mong ibahagi sa iba kung
ano ang estado mo sa buhay ngayon, at ang patok na estado na mababasa mo dito
ay tungkol sa kanilang mga sawing palad na buhay pag-ibig, sa masasasaya nilang
buhay, sa kung ano ginagawa sa mga oras na ito
Maari ring maanira ng buhay ng ibang tao, ang sinumang may masamang intensyon
sa iba gamit ang internet. Kahit saang sulok ka sumuot ngayon ay mayroong internet
shop cafe, at kadalasan mong makikita dito ay mga kabataan. Nahuhumaling sa kung
anong kinahuhumalingan.
Habang sinusulat ko nga ang blog na ito, sandali akong napatingin sa aking kustomer,
na parang hindi mo maistorbo dahil sa kanyang nilalarong DOTA. Habang naglalaro ito
ay may binabuff siyang video na porno. Ewan kung bakit laging magkakambal ang
dalawang yun.
Madalas kong mapansin ang ilan sa aming regular na kostumer na habang naglalaro
ng online games ay nanonood naman ng porno.
Natanong ko nga minsan yung isa naming suki. Bakit laging magkasama ang porno at dota?
Sa mga online games daw kasi ay may mga tagpong naghahang o kailangan mong
maghintay ng ilang sandali bago umpisahan uli ang laro. Ito naman ang oras para
dito para manood ng porno habang nagfafacebook. "Para daw walang sayang
na oras ika nga"
Hmn, wais din ang mga batang to...
wais sa kalokohan naisip ko..
Maraming pwedeng matutunan sa internet, mula sa masama mabuti, o mga kabulastugang
bagay ang maari mong mapulot dito.
Masasabi kong, ang mga kabataan ngayon ay halos puro kabastusan ang natutunan sa internet.
At ang nakakalungkot dito. Ito ay isang uri ng libangang mahirap masubaybayan ng
kanilang mga magulang.
Kamakailan lang ibinalita sa isang telebisyon ang isang krimeng, may kinalaman sa internet.
Sa pamamagitan ng internet, naisagawa ng isang suspect ang kanyang maitim na balak
sa isang nag lilibang lamang na dalagita. tsk tsk..
Hmnn, teka ibahin natin ang tema, puro na pangit na aspeto yata ang nababanggit ko
tungkol sa internet ah.
Kunsabagay...
Marami rin namang mabuting dulot ang internet sa buhay ng tao. Dahil punung puno
ito ng mga impormasyong maaring makasagot ng iyong mga katanungan sa buhay at mundo.
kung gayon, ang internet ay...
Ang internet ay masama o mabuting bagay, depende na lang sa gumagamit nito.
No comments:
Post a Comment