"GUTOM LANG YAN"
Ang hirap ng buhay ito ang karaniwang bukambibig ng mga taong nagdarahop.
Habang tumatagal, pahirap ito ng pahirap,hindi mo lang naiisip
kung gaano kahirap ang buhay dahil mas madalas kang walang inaaalala
para sa iba kundi para sa sarili mo lamang. Tumingin ka sa kaliwat kanan
samut saring muka ng kahirapan ang mamamasdan. Sa gitna ng mauunlad na
syudad sa metro manila, nagtatago ang mga barong barong na isang dipa
lang ang haba. Sa dami ng umupong lider ng ating bansa, nanatiling lugmok
ang estado ng ating ekonomiya
Pero naisip ko, madali lang din naman palang tumugon sa sarili mong mga
pangangailangan sa buhay. Dahil otomatikong gagawa ng paraan ang katawan
mo para dito.
Isang halimbawa, nagugutom ka pero wala kang makain, tiyak na gagawa
ka ng paraan para makakain kahit na tinapay, sabon, alikabok, pansit na
walang sahog oh kaning lamig na may tutong, garantisadong dahil sa gutom.
kakainin mo ito kapag wala ka nang maisip na pwedeng kainin bukod dito.
Uutusan ng iyong katawan ang iyong utak para kainin ang mga nabanggit...
katawan: oh ano pang inaantay
mo pasko? kainin mo
na yang baso.
utak: gago! hindi yan
kinakain.
katawan: tado! anong hindi,
kinakain yan. Yan ang
kinakain ng mga taong
walang makain.
utak: mapapasama ka kapag
kinain ko yan,mamatay
tayo pareho
katawan: lalo akong mapapasama
kapag hindi mo yan
kinain.mamatay tayo
pareho.
utak: oo nga noh, sige..
yum yum...
Kapag nagkatugma pareho ang pananaw ng iyong utak at katawan,
aregladong wala nang makakapigil pa para kainin mo yung basong nakita mo
lamang sa ibabaw ng mesa sa ayaw mo man at sa gusto. Resulta? isa ka
nang baliw na isusugod sa PGH dahil sa pagkain mo ng basong nakita mo
lamang sa ibabaw ng lamesa nyo, bago ka naman nila ituturn over sa pagamutan
ng mga baliw sa mandaluyong.
(hindi ako baliw, maniwala kayo hindi ako baliw, nagugutom lang ako
kaya ko nagawa iyon.)
Pero huli na ang lahat para paniwalain silang hindi ka isang baliw.
Ang taong gutom ay hindi na nakakapag-isip ng matino at tama yan ang dahilan
kung bakit marami ang halos mabaliw na sa gutom.
Masyadong maraming nagugutom sa ngayon, kaya marami din ang gumagawa
ng paraan para dito. Masamang paraan man ito o mabuti. Kaya nga marami rin
ang sumasakit ang tiyan dahil sa pagkain ng di tama. Minsan kasi galing na sa
masama ang kinakain at ipinangkakain sa pamilya. Pero sabagay mas okay na
daw yun kesa magkalkal ng basura at maghanap ng tira tirang pagkain na ilang
minuto na lang eh mapapanis na. Yan ang pananaw ng ibang tao na ayaw
makaranas ng gutom.
Kadalasan! Hindi na nakakapag isip ng tama o mali ang isang tao dahil sa tindi
ng pagkalam ng kanyang sikmura. Basta ang alam nya lang ay kailangang
makagawa siya ng paraan para sa nagugugutom niyang tiyan ...
Dito sa ating bansa hindi lang maralitang mamayan ang nagugutom kundi pati
yung mga nakaupo sa gobyerno, mga pulitikong gutom sa karangyaan at
kapangyarihan.
Matindi ang gutom ng mga iyan. Bakit?
Kasi biruin mo ba naman, kaban ng bayan ang pinapakialaman at pinagnanakawan
para sa kumakalam din nilang tiyan. At eto pa ha, hindi lang tiyan ang pinakapakain
ng mga yan, kundi pati bulsa. Ikaw ba naman magpakain ng bulsa, e ewan ko kung
mabubusog mo ang bulsa mo.
Ikaw tatanungin kita, ikaw ba makakaya mong gawan ng masama o pagnakawan
ang maraming taong tulad mo e kumakalam din ang sikmura? Malamang ang sagot
mo e HINDI.
Pero sila kaya nila yun. Dahil di nila naiisip na mali na ang ginagawa nila kaya nila
nagagawa yun, dala yan ng matinding pangangailangan. Matatakaw lang talaga
ang mga gutom nilang bulsa, ilang beses man pakainin, maghahanap at maghahanap
pa rin ng makakakain para makakain. Ang tawag sa kanila. BUWAYA. Kumakain
din sila ng buhay na tao, kaya ingat ka, baka ka malapa.
Buti nga mas matalino ka kesa sa kanila e, mas magaling mag isip, mas mapamaraan
sa buhay, at higit sa lahat mas mabait. Kasi nga lumalaban ka ng patas sa buhay
para makakain, e sila? palagay ko hindi.
Anong malay mo baka di natin alam. Kumakain na pala sila ng fried chiken na
pinaglamayan ng ipis magdamag.
galing mo tlga stedy... like q toh... hehehehe....
ReplyDelete