august 23 2010
Tanda mo ba kung ano ang mayroon sa araw at petsa
na ito? Malamang Oo dahil sariwa pa ang pangyayaring ito.
Sa aking palagay, ito yung araw na gumising
sa ating lahat kung gaano talaga ka mali at kabulok
ang kasalukuyang umiiral na sistema sa ating bayan.
Ipinapakita ng pangyayaring ito kung anong klase ng
gobyerno at lipunan mayroon tayo.Isang bagay yan
na kailangan nating tanggapin sa ating mga sarili. Marahil
ay itinatanong mo sa sarili mo kung bakit ko nasasabi ang mga
ganitong bagay. Hayaan mong ibigay ko ang aking panig
hinggil sa bagay na ito kayat manahimik ka na lang
muna jan at magbasa kung ayaw mong ihostage kita.
(joke lang ).
Quirino Grandstand Hostage Taking.
Siguro naman hindi ka isang pilipinong walang pakialam
sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kayat sa aking
palagay ay alam mo ang kwento sa likod ng madugong
istoryang ito.
Ating isa isahin ang mga nakitang mali sa naganap na
trahedya.
Sobra sobrang live coverage ng media, Kakulangan sa
gamit ng kapulisan, Sandamakmak na ususero at ususera
na tila pagkaraniwang na sa atin, Katarantahan ng mga
pagbibigay utos sa mga pulis, Kawalan ng magaling na
istratehiya sa pagresponde, Kawalan ng magaling na pinuno
kapabayaan, kawalan ng hinahon, at kawalan ng simpatya.
Iyan ang ilan sa mga napunang mali habang nagaganap ang
nasabing trahedya.
Isipin mo.
Kung hindi sana na cocorupt ang mga pondo para sa mga
ahensya ng ating gobyerno lalo na sa kapulisan, ay mayroon
sanang hi tech na kagamitan ang mga rumespondeng
pulis.Walang nakitang maysuot ng night vision ang mga pulis
kung mayroon man, bakit wala ni isa ang mga pulis narumesponde?
Ibig sabihin wala talaga.
Kung napapakinggan lang sana ang mga hinaing ng isang
individual sa mga nanunungkulan ay hindi sana gagawa ng
hakbang ang isang dating pulis para lang siyay makaagaw
ng atensyon at marinig ang kanyang panig sa masamang
paraan man ito o mabuti. Nangangahulugan iyan na may
problema tayo sa usaping hustisya sa ating bansa.
Napakapangit ng eksena at dating ng mga ususero at
ususera, nagpapakita ito ng kamangmangan sa nagaganap.
Bukod sa nakakasagabal sila sa pagresponde ng mga pulis
ay nakakadagdag sikip pa sila lugar ng insidente.
Napakapangit din ng mga pinagpipiyestahang larawan ngayon
sa internet ng mga pulis at ilang mga estudyante na
kumukuha ng kanilang mga picture bilang souvenir sa
lugar ng pinangyarihang hostage taking. Tanda ito ng kawalang
ng respeto at simpatya.
Lahat ng mali at pangit na iyan ay hindi natin makikita
kung hindi magaganap ang isang trahedya.Nasa huli ang
pagsisisi ika nga.
Hindi ko nilalait o tinutuligsa ang ating bayan at aking
kapwa pilipino. Paraan ko siguro ito upang ituro sa iba
kung ano ang dapat at hindi dapat na akto pagdating sa mga
ganitong sensitibong bagay. Walang malalait kung walang
makikitang kalait lait ika nga. Naniniwala akong walang
taong gustong sya'y malait.Ipakilala mo sa aking kung meron
man. Ayaw ko ring sabihing nag mamagaling ako o nagdudunung
dunungan. Marahil nakita ko lang ang mali mo sa parehong
paraan na nakita mo ang mga mali ko. Ako ang magsasabi
sayo kung mali ka na, at ikaw ang magsasabi sa akin
kung mali na ako. Dahil ako nakakakita sa kilos mo at
gayon ka di sa akin.
Ilang trahedya na ba ang naganap sa ating bayan? May mga
nagising ba pagtapos nito? mukang wala. Kailangan ba ng
maraming rolando mendoza para mabulabog ang mga nasa pwesto?
Iniisip ko nga ngayon e, baka paraan ito ng tadhana para
kalampagin at gisingin ang mga tutulog tulog at antuking
congresista at senador sa congreso at senado.eh wag
naman sana.
At ngayon pagkatapos nga ng madugong insidente. Iunulan ng
batikos ang ating bansa. Samut saring batikos mula sa
bansang pinanggalingan ng mga napatay sa madramang
hostage taking. At tayo? tayo naman ay naiwang nagtuturuan
sa kung sino ang dapat managot. Nakakatuwang isipin na
kung bakit kailan nagaganap ang isang pangyayari ay saka
pa tayo kikilos para dito. Gayong pwede namang paghan-
daan ang mga bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap
katulad nga ng istoryang ito. Galing no!
Pero ano nga ba ang magagawa natin sa ngayon, naganap na
ang dapat maganap. Isipin na lang natin na hindi na sana maulit
pa ang nangyaring trahedya bago tayo tuluyang magising
mula ating mga bangungot na pananaw na maaaring magdulot
ng isang malaking kahihiyaan sa ating bayan.
No comments:
Post a Comment