Tuesday, November 9, 2010

nu 107.5

nu 107.5



Araw ng linggo alas dose ng hating gabi nang
huling magpasahimpapawid ang nu 107 sa radyo.
Ang nu 107 ay isang talapihitan sa radyo na
nasa gawing dulo at nasa bandang kanan ng
iyong radyo. Isang istasyong may mataas na
kalidad sa pagsasahimpapawid ng mga dekalidad
na musikang pinoy.
Nagsimula ito noong taong 1983 hanggang sa taong
kasalukuyan. At sa hindi inaasahang daahilan ay
bigla itong nagpaalam sa mabilisan at biglaang paraan.
Nakakalungkot isipin na ang "ang radyong matagal
na naging bahagi ng ating buhay,ngayo'y pinatay".
(signing off)


May kung ilang ulit akong nag isip, ano ba ang
pakialam ko kung mawawala na oh wala na ang
istasyong ito? Ano ba ang napala ko sa
istasyong ito? Meron bang naitulong sa akin
ang talapihitang ito? Sa mga nabanggit na
tanong, nahanap ko ang lahat ng kasagutan sa
sarili kong mga katanungan..

Meron pala akong pakialam, dahil ang
istasyong ito ay tila nakasanayan nang pakinggan
ng aking tainga. Taon taon kapag sumasapit
ang araw ng bagong taon. Inilalabas ko sa gate
ng bahay namin yung malaking karaoke ng erpat ko.
Dumadagundong ito taon taon lalo na kapag magpapalit
na ng kalendaryo, ay nako! pihadong bumabayo ito.
Habang binibilang namin ang segundo sa pagpapalit
ng taon.Kasabay din naming nagbibilang ang istasyong
maraming naibahagi sa akin.

(four,three,two,one) boom boom, ka bloom ka blam
inggggg inggg booong blagag blagag, bangag bangag!
Happy new year pare.

Sa istasyong ito napakinggan at nahiligan ko ang
isang makabuluhang programa sa radyo, ang ROCK ED
RADIO. Dahil ang programang ito ay tumatalakay
sa ibat ibang anggulo ng buhay ng tao, politics,
pilipino culture, relihiyon, mga pangunahin isyu
sa lipunan mula sa pangit at magagandang pangyayari
sa ating kapaligiran. sa magaling at di magaling
na pananaw ng ibang tao, at kung ano ano pang mga
aspetong pwedeng pag usapan.Ideya at opinyon ang
naibahagi sa akin ng programang ito. ( Walang opinyon
na hindi importante sa rock ed radio).

Sa aking palagay, isang malaking kawalan ang istasyong
maaring lapitan ng mga musikerong naghahangad ng kahit
kaunting pagkilala sa lipunan. Karamihan kasi sa mga
nakilala kong musikero ngayon ay sa istasyong ito ko
lang nakilala.(in the raw ni francis brew).

Medyo natawa nga ako kanina eh, dahil nung nakinig
ako ng fm, kanta ni lady gaga ang nabungaran ko sa
radyo ng mp3 ko. Ang nakakatawa dun eh ang
awitin palang nadidinig ko ay pinapatugtog ng istasyong
mukang ipinalit sa minahal kong istasyon.
Muntik akong mapamura, tang ina! ayos.. sabay hagalpak
ng tawa..hahaha! (Pinag iisipan pa ba yan, message message!).
Naisip ko. Ah tila makikipag kumpetensya
ang istasyong ipinalit sa ibang nauna at matagal tagal na ring
istasyon.(tototooot)..

Sa kabuuang buod ng nais kong sabihin,
kumpara sa iba, mas makabuluhan at mas makahulugan
ang istasyong tinabla sa ere. Ang NU 107 na tahanan ng
bagong bato...

Tuesday, November 2, 2010

LIGAYA

Saan ka nga ba liligaya? Ano ang tunay na makakapag-
paligaya sa iyo?

Ang akala ng iba mahirap ang buhay. Punong puno daw
daw ito mga pagsubok at problema na kailangang harapin
at tiisin ng isang tao. Ang akala naman ng iba, masarap at
madali ang buhay. Na matamis at masaya ang bawat san-
dali na nakakalugod sa kaluluwa ng isang tao.

Magkaiba man tayo ng mga pananaw, nanatiling iisa lang
ang hinahanap nating lahat, maganda't maligayang buhay.

Para sa akin, it's a matter of how you look at at life that
makes a difference. Eh ano kung hirap ang katawan pero
maligaya naman ang puso mo. Eh ano kung maalwan ang
buhay pero bagabag naman ang isip mo.
Masasabi mo ngang hindi ka masaya dahil hindi buo ang
kaligayahan mo, pero doon sa dalawa, mas lamang ang una
dahil hindi man aminin ay tiyak na puso ang nagdidikta ng
ikaliligaya ng isang indibidwal.

Isa pang usapin tungkol sa pananaw. May nagsasabi na
kapag namimili ka o magdedesisyon, kinakailangang
kaligayahan ang tinitingnan. Sabi nga, kung saan ka
masaya. doon ka. Pananaw yon ng iba,
Pero kung iisipin, mas angkop at matuwid ang pagdedesis-
yong sa tama kumikiling.

Maraming ikinasisiya ang tao. May nasisiyahan sa mababaw,
may nasisiyahan sa malalim, sa panandalian, sa bawal, sa
tama at mali. Parang ganito. Bakit may mga taong umiinom
ng alak?, bakit may nagsusugal? bakit may nambabae?
bakit may nanglalalake? may namamakla, bakit may nag-
dadrugs? bakit may kung gumastos ng pera eh balde balde?
bakit may kain ng kain? At kung ano ano pang pwedeng itanong
tungkol sa libangan ng tao.
Syempre at natural ang isasagot, eh! doon sila maligaya e.
Pero tama ba yon? HINDI. Dahil kung ang pag uusapan eh rason.
Walang tamang isasagot kapag pinilit ang isang mali. Madaling
ikatwiran ika na ano ang halaga ng buhay kung di mo ito maeenjoy.
Madaling panigan kasi may punto, pero mababaw ang dahilan.

Pagdating sa buhay walang higit na ikabubuti at ikaliligaya ang tao
sa mahaba at malayong usapan at pananaw kundi ang pag gawa
nang naaayon sa mabuti. You can never go wrong sa tama dahil
tama na nga iyon. Hindi ka mamamali dahil walang mali sa tama.

Parang ang gulo ng pagpapaliwanag pero nadon ang punto. Ang
puti ay puti, ang pula ay pula, kapag pinilit maging pula ang puti,
magkaiba tayo ng pahinang tinitingnan....

Friday, October 29, 2010

Gutom Lang Yan


"GUTOM LANG YAN"


Ang hirap ng buhay ito ang karaniwang bukambibig ng mga taong nagdarahop.
Habang tumatagal, pahirap ito ng pahirap,hindi mo lang naiisip 
kung gaano kahirap ang buhay dahil mas madalas kang walang inaaalala 
para sa iba kundi para sa sarili mo lamang. Tumingin ka sa kaliwat kanan 
samut saring muka ng kahirapan ang mamamasdan. Sa gitna ng mauunlad na 
syudad sa metro manila, nagtatago ang mga barong barong na isang dipa 
lang ang haba. Sa dami ng umupong lider ng ating bansa, nanatiling lugmok
 ang estado ng ating ekonomiya 


Pero naisip ko, madali lang din naman palang tumugon sa sarili mong mga 
pangangailangan  sa buhay. Dahil otomatikong gagawa ng paraan ang katawan 
mo para dito.


Isang halimbawa, nagugutom ka pero wala kang makain, tiyak na gagawa 
ka ng paraan para makakain kahit na tinapay, sabon, alikabok, pansit na 
walang sahog oh kaning lamig na may tutong, garantisadong dahil sa gutom. 
kakainin mo ito kapag wala ka nang maisip na pwedeng kainin bukod dito. 
Uutusan ng iyong katawan ang iyong utak para kainin ang mga nabanggit...




katawan:   oh ano pang inaantay 
                 mo pasko? kainin mo 
                 na yang baso.


utak:         gago! hindi yan 
                 kinakain.


katawan:   tado! anong hindi,
                 kinakain yan. Yan ang 
                 kinakain ng mga taong 
                 walang makain.


utak:         mapapasama ka kapag 
                 kinain ko yan,mamatay 
                 tayo pareho


katawan:   lalo akong mapapasama 
                 kapag hindi mo yan 
                 kinain.mamatay tayo 
                 pareho.


utak:         oo nga noh, sige..


yum yum...


Kapag nagkatugma pareho ang pananaw ng iyong utak at katawan, 
aregladong wala nang makakapigil pa para kainin mo yung basong nakita mo
lamang sa ibabaw ng mesa sa ayaw mo man at sa gusto. Resulta? isa ka
nang baliw na isusugod sa PGH dahil sa pagkain mo ng basong nakita mo 
lamang sa ibabaw ng lamesa nyo, bago ka naman nila ituturn over sa pagamutan 
ng mga baliw sa mandaluyong.


(hindi ako baliw, maniwala kayo hindi ako baliw, nagugutom lang ako 
kaya ko nagawa iyon.)


Pero huli na ang lahat para paniwalain silang hindi ka isang baliw. 


Ang taong gutom ay hindi na nakakapag-isip ng matino at tama yan ang dahilan 
kung bakit marami ang halos mabaliw na sa gutom.


Masyadong maraming nagugutom sa ngayon, kaya marami din ang gumagawa 
ng paraan para dito. Masamang paraan man ito o mabuti. Kaya nga marami rin 
ang sumasakit ang tiyan dahil sa pagkain ng di tama. Minsan kasi galing na sa 
masama ang kinakain at ipinangkakain sa pamilya. Pero sabagay mas okay na 
daw yun kesa magkalkal ng basura at maghanap ng tira tirang pagkain na ilang 
minuto na lang eh mapapanis na. Yan ang pananaw ng ibang tao na ayaw 
makaranas ng gutom.

Kadalasan! Hindi na nakakapag isip ng tama o mali ang isang tao dahil sa tindi 
ng pagkalam ng kanyang sikmura. Basta ang alam nya lang ay kailangang 
makagawa siya ng paraan para sa nagugugutom niyang tiyan ... 


Dito sa ating bansa hindi lang maralitang mamayan ang nagugutom kundi pati 
yung mga nakaupo sa gobyerno, mga pulitikong gutom sa karangyaan at 
kapangyarihan. 


Matindi ang gutom ng mga iyan. Bakit? 


Kasi biruin mo ba naman, kaban ng bayan ang pinapakialaman at pinagnanakawan
para sa kumakalam din nilang tiyan. At eto pa ha, hindi lang tiyan ang pinakapakain 
ng mga yan, kundi pati bulsa. Ikaw ba naman magpakain ng bulsa, e ewan ko kung 
mabubusog mo ang bulsa mo. 


Ikaw tatanungin kita, ikaw ba makakaya mong gawan ng masama o pagnakawan 
ang maraming taong tulad mo e kumakalam din ang sikmura? Malamang ang sagot 
mo e HINDI. 


Pero sila kaya nila yun. Dahil di nila naiisip na mali na ang ginagawa nila kaya nila 
nagagawa yun, dala yan ng matinding  pangangailangan. Matatakaw lang talaga 
ang mga gutom nilang bulsa, ilang beses man pakainin, maghahanap at maghahanap 
pa rin ng makakakain para makakain. Ang tawag sa  kanila. BUWAYA. Kumakain 
din sila ng buhay na tao, kaya ingat ka, baka ka malapa.


Buti nga mas matalino ka kesa sa kanila e, mas magaling mag isip, mas mapamaraan 
sa buhay, at higit sa lahat mas mabait. Kasi nga lumalaban ka ng patas sa buhay 
para makakain, e sila? palagay ko hindi.


Anong malay mo baka di natin alam. Kumakain na pala sila ng fried chiken na 
pinaglamayan ng ipis magdamag.



Thursday, August 26, 2010

august 23 2010

august 23 2010


Tanda mo ba kung ano ang mayroon sa araw at petsa
na ito? Malamang Oo dahil sariwa pa ang pangyayaring ito.
Sa aking palagay, ito yung araw na gumising
sa ating lahat kung gaano talaga ka mali at kabulok
ang kasalukuyang umiiral na sistema sa ating bayan.
Ipinapakita ng pangyayaring ito kung anong klase ng
gobyerno at lipunan mayroon tayo.Isang bagay yan
na kailangan nating tanggapin sa ating mga sarili. Marahil
ay itinatanong mo sa sarili mo kung bakit ko nasasabi ang mga
ganitong bagay. Hayaan mong ibigay ko ang aking panig
hinggil sa bagay na ito kayat manahimik ka na lang
muna jan at magbasa kung ayaw mong ihostage kita.
(joke lang ).

Quirino Grandstand Hostage Taking.

Siguro naman hindi ka isang pilipinong walang pakialam
sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kayat sa aking
palagay ay alam mo ang kwento sa likod ng madugong
istoryang ito.

Ating isa isahin ang mga nakitang mali sa naganap na
trahedya.

Sobra sobrang live coverage ng media, Kakulangan sa
gamit ng kapulisan, Sandamakmak na ususero at ususera
na tila pagkaraniwang na sa atin, Katarantahan ng mga
pagbibigay utos sa mga pulis, Kawalan ng magaling na
istratehiya sa pagresponde, Kawalan ng magaling na pinuno
kapabayaan, kawalan ng hinahon, at kawalan ng simpatya.

Iyan ang ilan sa mga napunang mali habang nagaganap ang
nasabing trahedya.

Isipin mo.
Kung hindi sana na cocorupt ang mga pondo para sa mga
ahensya ng ating gobyerno lalo na sa kapulisan, ay mayroon
sanang hi tech na kagamitan ang mga rumespondeng
pulis.Walang nakitang maysuot ng night vision ang mga pulis
kung mayroon man, bakit wala ni isa ang mga pulis narumesponde?
Ibig sabihin wala talaga.

Kung napapakinggan lang sana ang mga hinaing ng isang
individual sa mga nanunungkulan ay hindi sana gagawa ng
hakbang ang isang dating pulis para lang siyay makaagaw
ng atensyon at marinig ang kanyang panig sa masamang
paraan man ito o mabuti. Nangangahulugan iyan na may
problema tayo sa usaping hustisya sa ating bansa.


Napakapangit ng eksena at dating ng mga ususero at
ususera, nagpapakita ito ng kamangmangan sa nagaganap.
Bukod sa nakakasagabal sila sa pagresponde ng mga pulis
ay nakakadagdag sikip pa sila lugar ng insidente.


Napakapangit din ng mga pinagpipiyestahang larawan ngayon
sa internet ng mga pulis at ilang mga estudyante na
kumukuha ng kanilang mga picture bilang souvenir sa
lugar ng pinangyarihang hostage taking. Tanda ito ng kawalang
ng respeto at simpatya.


Lahat ng mali at pangit na iyan ay hindi natin makikita
kung hindi magaganap ang isang trahedya.Nasa huli ang
pagsisisi ika nga.

Hindi ko nilalait o tinutuligsa ang ating bayan at aking
kapwa pilipino. Paraan ko siguro ito upang ituro sa iba
kung ano ang dapat at hindi dapat na akto pagdating sa mga
ganitong sensitibong bagay. Walang malalait kung walang
makikitang kalait lait ika nga. Naniniwala akong walang
taong gustong sya'y malait.Ipakilala mo sa aking kung meron
man. Ayaw ko ring sabihing nag mamagaling ako o nagdudunung
dunungan. Marahil nakita ko lang ang mali mo sa parehong
paraan na nakita mo ang mga mali ko. Ako ang magsasabi
sayo kung mali ka na, at ikaw ang magsasabi sa akin
kung mali na ako. Dahil ako nakakakita sa kilos mo at
gayon ka di sa akin.

Ilang trahedya na ba ang naganap sa ating bayan? May mga
nagising ba pagtapos nito? mukang wala. Kailangan ba ng
maraming rolando mendoza para mabulabog ang mga nasa pwesto?
Iniisip ko nga ngayon e, baka paraan ito ng tadhana para
kalampagin at gisingin ang mga tutulog tulog at antuking
congresista at senador sa congreso at senado.eh wag
naman sana.

At ngayon pagkatapos nga ng madugong insidente. Iunulan ng
batikos ang ating bansa. Samut saring batikos mula sa
bansang pinanggalingan ng mga napatay sa madramang
hostage taking. At tayo? tayo naman ay naiwang nagtuturuan
sa kung sino ang dapat managot. Nakakatuwang isipin na
kung bakit kailan nagaganap ang isang pangyayari ay saka
pa tayo kikilos para dito. Gayong pwede namang paghan-
daan ang mga bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap
katulad nga ng istoryang ito. Galing no!


Pero ano nga ba ang magagawa natin sa ngayon, naganap na
ang dapat maganap. Isipin na lang natin na hindi na sana maulit
pa ang nangyaring trahedya bago tayo tuluyang magising
mula ating mga bangungot na pananaw na maaaring magdulot
ng isang malaking kahihiyaan sa ating bayan.

Sunday, August 8, 2010

Alak,Gitara, Barkada at saka Ewan

Masarap tumungga ng alak lalo na kung pulang kabayo kasabay
ng ganito na kalamig na pahaon. Masarap ito isabay sa mga isiping
nagpapahirap ng ating kalooban. Masarap ito isabay habang nasa
kwarto at nanonood ng pelikula na may halong pornograpiya.
Masarap ito habang may gumigiling na isang seksing dalaga sa
iyong imahinasyon. Masarap ito kung may pag uusapan.Masarap
din ito lalo kung may kasiyahan na nauuwi naman sa kaguluhan.

Dati sa tropa namin. ako ang gitarista kapag may inuman. Umaawit
parang ibon ayos na rin akoy naroroon. Pwede rin akong tanggero
noon. Sisimulan ko ang kantahan sa mga lumang awitin ng bandang
parokya ni edgar, rivermaya, eraserheads, siakol. after image, orient
pearl, the boss.TAKENOTE per album pa yun ha, at saka yung
paborito ng lahat. yung BANYO QUEEN ni andrew e. Tanda ko
pa nga chords nun hanggang ngayon e. ( E-C#m-A-B repeat refrain till fade)
fresh from the year two thousand. Sucker!!!..Ganun ako kagaling noon
sa pagdadala ng isang masayang inuman. Ewan ko na lang ngayon.

Habang tinitipa ko ang gitara ko noon, nakikita ko yung ibat ibang muka
ng kasiyahan ng kaibigang maraming beses ko ng nakaharap sa inuman.
May naniningkit ang mata pumipipikit pikit pa habang dinadama yung kanta
May nakatulala lang sa tabi habang pilit na ninanakaw yung chords ko sa
isang kanta. May bumubulong bulong sa likod, pre isunod mo yung halik ni
hudas ha. Ang saya ibat ibang muka. Pero ilan lng sa mga katropa ko noon
ang higit na naging kaibigan ko ngayon. Salamat sa alak at gitarang naging
instrumento para mabuo yung tropa.

Pero ito yung matindi, yung kapag lasing na. Wala na sa katinuan yung
kangina'y halos magpakamatay sa pagkanta. Tamang ganito tamang ganoon
na. Tamang war freak na. hanap away hanap gulo hanap sakit ng katawan.
Meron akong kaibigan kapag di nakainom sobrang bait,
tipong di makabasag pinggan, pero pag nakainom naman, akala mo kung
sinong imortal pag nakainom ang tapang. Aawayin nya kahit sino
pag meron syang di nagustuhan at hindi mo siya mapipigilan, kung hahayaan
at iiwan mo naman sa ere masisisi ka pa. Tokneneng talaga oh!
Ito yung tipo ng mga manginginom na hindi pwedeng pandayo ng
inuman sa ibang lugar. Nadala ako, sinabi ko sarili ko. Hindi na ako kako
makikipag inuman sa taong ito kelan man Pwede naman kaming magkaibigan
kahit di nakainom o lasing eh. (Promise introboys).