Friday, December 30, 2011

Charie Joann Canlas Copias

Charie Joann Canlas Copias


Kanina, muli akong nakipagsiksikan sa
kalagitnaan ng tila di mahulugang karayom
na dami ng taong pilit sinisiksik ang
sarili sa mabilis na takbo ng MRT na
bumabagtas sa gitna ng maunlad na siyudad.

Habang nasa kasagsagan ng mabilis na
pagtakbo ang mahabang sasakyan ng mga oras
na iyon. Akoy napatingin sa ibat ibang mukha ng
mga taong tulad ko ay may kani kaniya ring
pakay, destinasyon, at hangarin, sa buhay.

May nagmamadali, may nagbabasa ng bulletin
na dyaryo,may nagtetext, may nakikipag usap
sa cellphone may patingin tingin sa kanyang
relo nangangambang ma late sa kanyang
pinapasukang trabaho, may gayak na gayak
ang bihis, may nagbabakasakali, may nag
aaply ng trabaho, may magsyota, may dalaga
may binata may estudyante, may nakasapatos,
may nakatsinelas, may aleng bitbit ang
kanyang tsikiting, may nakatulala,
at may nangangarap sa isang sulok ng tila
sardinas na sasakyan.

Naisip ko, lahat ng taong nasa loob ng
sasakyang iyon ay katulad ko ring may
hinahangad, minimithi, at pinapangarap sa buhay.
Bigla ko ring naisip si joann. Ang babaeng gusto
ko sanang maging bahagi ng aking mga pangarap.

shaw boulevard station. next station. ortigas station...

Hindi ko maisip kung bakit sa kalagitnaan ng
nagmamadaling mga tao eh naisip kong
bigla ang nag iisang babaeng mayat mayang
kinakalabit ang aking utak. kmsta na kaya siya?

Naisip ko, ah talagang iniibig ko ang babaeng ito,
kasi biruin mo sa dinadami dami ba naman ng mga
sarili kong isipin at mga problema sa buhay, eh
nagagawang makisingit nitong babaeng may mahabang
buhok, may patpating pangangatawan, may mahubog na
balakang (hehe), at may simpleng taglay na ganda.

Habang tumatagal ang pagkakakilala ko
sa babaeng ito, mas lalo kong nakikilala ang
kaniyang pagkatao,pangarap,kahinaan, kalakasan,
emosyon, paraan ng pag iisip. Nakikilala
kong mabuti ang kaniyang personalidad,

iLan sa aking napansing mga katangian ni joaan.
Siya ang tipo ng babaeng hindi nagsasabi ng
nararamdaman,masasalamin mo ang kanyang
nararamdaman base sa kanyang ikinikilos,
Malakas siya sa loob at mahina sa labas,

Hindi siya magaling magluto pero paborito niyang
ulam ay sinigang, at crush niya si vin diesel,

siya ay malambing, at kung lalambingin ka niya,
titiyakin ko sayong pagtutulungan kang
bitbitin ng isang kumpol ng mga langgam upang
ilagay sa imbakan ng kanilang pagkain sa pag
aakalang ikay isang pagkaing matamis.
syento por syento, lalanggamin ka sa tamis...

Siya rin ang tipo ng babaeng ayaw sa paligoy
ligoy na usapan, kung may sasabihin ka, kailangang
sabihin mo na agad, bago pa siya mawalan ng interes
para dito.Siya ay masungit, Palakaibigan,
Siya ay palangiti, makulit, at higit sa lahat matigas
ang ulo..

Ilan pa sa mga Hinangaan ko sa babaeng ito ay,
ang kanyang ngiti, mahabang buhok, katawan,
galaw, pananamit,postura, prinsipyo, dignidad,
may pagkakilos lalaki(boyish), maganda siya kahit
nakasimangot.

Madalas akong bumisita sa kanilang bahay gamit
ang aking bisikleta, maingat kong binabagtas ang
emilio aguinaldo hi-way patungong zapote kalinisan
paliko naman sa ligas 1. Madalas ko nga makainuman
ang kanyang matikas na ama, at nakapalagayan naman
ng loob ang kanyang buong pamilya.

Para sa akin naniniwala ako sa pangmatagalang
relasyon bago ang pag iisang dibdib.Dito mo kasi
masusukat ang pagkatao ng makakapareha mo na
siyang ihaharap mo sa dambana balang araw...
(i do)

Sa ngayon, nananatili ang damdamin ko para
sa espesyal na babaeng ito na walang pakundangang
inalog ang ikot ng aking mundo na si
Charie Joann Canlas Copias...

Biglang tumunog ang tren hudyat ng napipinto
nitong paghinto sa isang istasyon.
at dagli akong bumaba.

This is ortigas station, ortigas station..