- Ikaw bay may problema sa lovelife
sa pera, sa pamilya, sa trabaho,
sa kalusugan, at sa sarili?
Naranasan mo na ba yung panahong,
punung puno ka ng mga problema sa
buhay at nasusuot sa isang masalimuot
na sitwasyon? Panahong nangailangan
ka ng karamay, Kaibigan o kausap.
Presidente ka man ng isang bansa,
sikat na artista, mayamang pulitiko,
pari, adik na fb user, chatter,
pulis, bumbero, musikero,
kargador sa palengke, barker ng mga
jipney, magbobote, basurero.
Hanggang sa pinaka karaniwang tao,
mahirap man o may sinasabi sa buhay.
Malamang ang sagot mo ay Oo, o di kaya
ay Oo naman.
Lahat kasi ng tao ay dumadaan sa ganitong
yugto o kabanata ng buhay.
Lahat ay may pagsubok na dumadagok
sa ating mga buhay.
Isang malungkot na kaibigan ang
nag pm sa akin sa ym minsang akoy
nakaonline. Dama ko ang bigat ng
kanyang problema kahit hindi niya ito
masabi sa akin. Tinanong niya ako kung
maganda daw kaya sa kabilang buhay.
Natawa ako sa kanyang tinuran.
Hindi ko alam ang sagot sa tanong pero
dahil pa ako nagagawi doon kako, pero
may ideya naman ako kahit papaano.
Sabi ko, maganda ang buhay sa kabilang
buhay kung maganda ang naging pananaw
mo sa buhay habang ikay naririto lupa.
Pero kung hindi naging maganda ang
naging pananaw mo habang ikay nasa lupa,
malamang ay sa hindi rin magandang
buhay ang nag-aantay sayo sa kabilang
buhay.
Hay ang buhay nga naman. Parang layp.
Napa Huh? siya sa sagot kong iyon. Hindi
naunawaan ang ibig kong sabihin.
Ang ibig kong sabihin, kung ano natutunan
mo sa lupa, babaunin mo ito sa kabilang
dimensyon ng buhay. Kung naging masamang
tao ka sa lupa at hindi nagkaroon ng
pagkakataong baguhin ang sarili ay tiyak na
sa hindi magandang buhay ka masasadlak. At kung naging mabuting tao ka naman habang
nasa lupa, ay sa mabuting kalagayan ka rin masasadlak kapiling ng dakilang manlilikha.
Naisip kong meron siyang suicidal tendency.
Bagay na hindi magandang mangyari. Bakit
niya itatanong sa akin ang gayong katanungan habang siyay nasa malungkot na emosyon.
Kaya isa lang ang naiisip kong sagot. Magpapatiwakal siya.
Maaari man o hindi eh wag naman sana.
May mga taong nagiging taong grasa, sila
yung mga taong bumibigay ang utak o
nabaliw dahil sa tindi ng dinaanang
problema o mga dinanas sa buhay.
Meron ding nag iinom o nagdodroga sa
pag-aakalang mabuti itong kaibigan sa
panahon ng matinding kalungkutan
na nagiging dahilan naman ng lalong
pagkabaliw. Gumagamit upang
sandaling makalimot sa problema.
Ang problema kasi, mabigat man o magaan.
Isang yugto ng kabanata sa ating buhay
kung saan ay sinusukat ang ating kaisipan at pagkatao. Kung hanggang saan ang kaya
nating ibigay para sa isang bagay.Lahat ng
bagay dito sa lupa ay may katapusan. Karangyaan, kapangyarihan, paghihirap, kalungkutan. Lahat ng yan ay matatapos sa sandaling ikay pumanaw. Kaya nga may mga taong nagagawang kitlin ang sariling buhay
sa pag aakalang matatapos ang kanilang pag hihirap sa sandaling silay patay na. Pero
hindi sa kabilang buhay. Tulad nga ng sinabi
ko kanina, kung ano naging pananaw mo sa
lupa ay babaunin mo ito sa kabilang buhay.
Ang buhay
Para isang karera. Kailangan mong
marating ang finish line sa anumang paraan.
Talo ka man o panalo. Ngayon kung hindi
mo ito natapos o tatapusin ang finish line, eh para ka na ring nandaya ng isang pagsusulit o exam sa eskwelahan.
Isang maling pananaw ang pagkitil sa sariling buhay upang takasan ang mga problema.
Dahil ayon sa mga pari at relihiyosong tao.
Ito ay hindi kalugod lugod na bagay sa paningin ng ating poong maykapal at naniniwala ako sa bagay na ito.
Kaya nga tayo binigyan ng diyos ng mga kaibigan,
para kahit papano eh maibahagi natin ang ating sarili na hindi natin magawang ibahagi sa iba. Nakakatuwa kaya yung isipin na may isang taong nakakaunawa sayo gaano man karami yung taong hindi nakakaintindi sa sarili mo.
Kung dinadagok ka ng mga pagsubok, Subukan mo itong harapin. At wag kang matakot na matalo o mabigo dito. kasi sa huli, ikaw pa rin ang mananalo.
Ngayon, Kapag natapos mo ang finish lines ng buhay . May premyong nag aantay sa iyo sa kabilang buhay.
Ngayon, kung sumasagi pa rin ang pagpapatiwakal sa nakabusangot mong emosyon
pagkatapos ng mga nabanggit ko dito.
eh malamang, pananaw mo sa buhay ang may Problema.
Wednesday, August 3, 2011
Problema
Subscribe to:
Comments (Atom)