Tuesday, November 9, 2010

nu 107.5

nu 107.5



Araw ng linggo alas dose ng hating gabi nang
huling magpasahimpapawid ang nu 107 sa radyo.
Ang nu 107 ay isang talapihitan sa radyo na
nasa gawing dulo at nasa bandang kanan ng
iyong radyo. Isang istasyong may mataas na
kalidad sa pagsasahimpapawid ng mga dekalidad
na musikang pinoy.
Nagsimula ito noong taong 1983 hanggang sa taong
kasalukuyan. At sa hindi inaasahang daahilan ay
bigla itong nagpaalam sa mabilisan at biglaang paraan.
Nakakalungkot isipin na ang "ang radyong matagal
na naging bahagi ng ating buhay,ngayo'y pinatay".
(signing off)


May kung ilang ulit akong nag isip, ano ba ang
pakialam ko kung mawawala na oh wala na ang
istasyong ito? Ano ba ang napala ko sa
istasyong ito? Meron bang naitulong sa akin
ang talapihitang ito? Sa mga nabanggit na
tanong, nahanap ko ang lahat ng kasagutan sa
sarili kong mga katanungan..

Meron pala akong pakialam, dahil ang
istasyong ito ay tila nakasanayan nang pakinggan
ng aking tainga. Taon taon kapag sumasapit
ang araw ng bagong taon. Inilalabas ko sa gate
ng bahay namin yung malaking karaoke ng erpat ko.
Dumadagundong ito taon taon lalo na kapag magpapalit
na ng kalendaryo, ay nako! pihadong bumabayo ito.
Habang binibilang namin ang segundo sa pagpapalit
ng taon.Kasabay din naming nagbibilang ang istasyong
maraming naibahagi sa akin.

(four,three,two,one) boom boom, ka bloom ka blam
inggggg inggg booong blagag blagag, bangag bangag!
Happy new year pare.

Sa istasyong ito napakinggan at nahiligan ko ang
isang makabuluhang programa sa radyo, ang ROCK ED
RADIO. Dahil ang programang ito ay tumatalakay
sa ibat ibang anggulo ng buhay ng tao, politics,
pilipino culture, relihiyon, mga pangunahin isyu
sa lipunan mula sa pangit at magagandang pangyayari
sa ating kapaligiran. sa magaling at di magaling
na pananaw ng ibang tao, at kung ano ano pang mga
aspetong pwedeng pag usapan.Ideya at opinyon ang
naibahagi sa akin ng programang ito. ( Walang opinyon
na hindi importante sa rock ed radio).

Sa aking palagay, isang malaking kawalan ang istasyong
maaring lapitan ng mga musikerong naghahangad ng kahit
kaunting pagkilala sa lipunan. Karamihan kasi sa mga
nakilala kong musikero ngayon ay sa istasyong ito ko
lang nakilala.(in the raw ni francis brew).

Medyo natawa nga ako kanina eh, dahil nung nakinig
ako ng fm, kanta ni lady gaga ang nabungaran ko sa
radyo ng mp3 ko. Ang nakakatawa dun eh ang
awitin palang nadidinig ko ay pinapatugtog ng istasyong
mukang ipinalit sa minahal kong istasyon.
Muntik akong mapamura, tang ina! ayos.. sabay hagalpak
ng tawa..hahaha! (Pinag iisipan pa ba yan, message message!).
Naisip ko. Ah tila makikipag kumpetensya
ang istasyong ipinalit sa ibang nauna at matagal tagal na ring
istasyon.(tototooot)..

Sa kabuuang buod ng nais kong sabihin,
kumpara sa iba, mas makabuluhan at mas makahulugan
ang istasyong tinabla sa ere. Ang NU 107 na tahanan ng
bagong bato...

Tuesday, November 2, 2010

LIGAYA

Saan ka nga ba liligaya? Ano ang tunay na makakapag-
paligaya sa iyo?

Ang akala ng iba mahirap ang buhay. Punong puno daw
daw ito mga pagsubok at problema na kailangang harapin
at tiisin ng isang tao. Ang akala naman ng iba, masarap at
madali ang buhay. Na matamis at masaya ang bawat san-
dali na nakakalugod sa kaluluwa ng isang tao.

Magkaiba man tayo ng mga pananaw, nanatiling iisa lang
ang hinahanap nating lahat, maganda't maligayang buhay.

Para sa akin, it's a matter of how you look at at life that
makes a difference. Eh ano kung hirap ang katawan pero
maligaya naman ang puso mo. Eh ano kung maalwan ang
buhay pero bagabag naman ang isip mo.
Masasabi mo ngang hindi ka masaya dahil hindi buo ang
kaligayahan mo, pero doon sa dalawa, mas lamang ang una
dahil hindi man aminin ay tiyak na puso ang nagdidikta ng
ikaliligaya ng isang indibidwal.

Isa pang usapin tungkol sa pananaw. May nagsasabi na
kapag namimili ka o magdedesisyon, kinakailangang
kaligayahan ang tinitingnan. Sabi nga, kung saan ka
masaya. doon ka. Pananaw yon ng iba,
Pero kung iisipin, mas angkop at matuwid ang pagdedesis-
yong sa tama kumikiling.

Maraming ikinasisiya ang tao. May nasisiyahan sa mababaw,
may nasisiyahan sa malalim, sa panandalian, sa bawal, sa
tama at mali. Parang ganito. Bakit may mga taong umiinom
ng alak?, bakit may nagsusugal? bakit may nambabae?
bakit may nanglalalake? may namamakla, bakit may nag-
dadrugs? bakit may kung gumastos ng pera eh balde balde?
bakit may kain ng kain? At kung ano ano pang pwedeng itanong
tungkol sa libangan ng tao.
Syempre at natural ang isasagot, eh! doon sila maligaya e.
Pero tama ba yon? HINDI. Dahil kung ang pag uusapan eh rason.
Walang tamang isasagot kapag pinilit ang isang mali. Madaling
ikatwiran ika na ano ang halaga ng buhay kung di mo ito maeenjoy.
Madaling panigan kasi may punto, pero mababaw ang dahilan.

Pagdating sa buhay walang higit na ikabubuti at ikaliligaya ang tao
sa mahaba at malayong usapan at pananaw kundi ang pag gawa
nang naaayon sa mabuti. You can never go wrong sa tama dahil
tama na nga iyon. Hindi ka mamamali dahil walang mali sa tama.

Parang ang gulo ng pagpapaliwanag pero nadon ang punto. Ang
puti ay puti, ang pula ay pula, kapag pinilit maging pula ang puti,
magkaiba tayo ng pahinang tinitingnan....